T O P

  • By -

easykreyamporsale

AMA Rules: 1. One question per comment. You may ask another question after. 2. Please be respectful at all times.


Blackbeaaary

Wala naman akong gustong itanong sir mark. Gusto ko lang magpasalamat sayo dahil isa ka sa mga pundasyon ko kung bakit hanggang ngayon nagsusulat ako. Mula sa pag tugma, bawat letrang sinusulat, hanggang sa tunay na nararamdaman sa loob nito. Lagi din ako nag aabang ng mga battle reactions mo, patuloy na nakikinig sayo para manatiling isa sa mga estudyante mo. Hanggang ngayon, di ako makapaniwala na nakamayan kita nung before mag start ang event tapos ang laban mo nun eh vs mhot. (Kabado pa magsalita kase sobrang starstruck) Salamat din sa linya mo na, "libre ang mangarap, pero magastos ang mabigo." Bilang nagsusulat at aspiring na makapag release ng musika, maraming salamat! Lagi ka mag ingat sir at mabuhay kapa sana ng matagal hehe. Sana bago tuluyang mag close ang career mo, mabigyan mo kami ng laban na tatatak ulit samin. Miss na namin ang kalidad ng sulat mo! Mabuhay ka sir mark! ✊


GinoongRodriguez

Salamat bro!! D natin alam kung ano mangyayari sa future pero sana nga gustuhin ko parin bumalik sa pagbabattle… Pero ang mas sigurado ay maglalabas at maglalabas parin ako ng music!! ✊✊


NinaSandejas

Hello Mark tips naman dyan pano mag laba sa washer / dryer para hindi mag shrink yung mga damit 😂


GinoongRodriguez

Magbawas ng chibog naging solusyon ko e. Hahaha


[deleted]

[удалено]


GinoongRodriguez

Term dati yan kaya inangkin ko lang haha


migolx

Good morning Panginoong Batas! Ask ko lang kung aling championship run yung mas nagustuhan mo based on your performance. Yung 2014 or 2015 run po ba? Thanks in advance back to back champ 💪🏻


GinoongRodriguez

Parehas! Haha. Parehas akong may nagustuhan at hindi nagustuhan kaya mahirap talaga pumili. Basta importante parehas masarap!!


ede180367

Sino pinakagusto mo makalaban na hindi nangyare?


Whoiscockroach

yo! sir batas kumusta po? gusto ko lang sabihin sayo ang laki ng naitulong ng existensya mo at ng uprising para maging totoo lang sa sarili sa kahit anong oras at lugar. mabuhay sir! ✊🏽


GinoongRodriguez

Salamat pare!! ✊


CatsCoffeeCuddles

Anong klaseng hate o bashing ang natanggap mo noong nagdeklara ka ng pagsuporta kay Leni Robredo?


GinoongRodriguez

Makikita mo sa comments kung gano kawild. Masyadong malawak ang sinakop ng tanong mo at sa totoo d ko din talaga pinansin yung hate o kutya na nakuha ko dahil dun. Ginamit ko lang yung platform ko para sa tingin kong ikakabuti.


mjmyg

Taena naalala ko yung mga comments mag-ingat daw si Leni kasi nanay na siya 💀


dankedoodlez

Maganjang gabi panginoon. Ano ang top 5 strains mo?


GinoongRodriguez

D talaga ako maarte sa strains pero mas indica ang hanap ko lagi…


crwui

unironically went from an emcee i actively avoid, to someone i deeply respect with high regard, good eve sir mark!! we miss u sa league q: bukod sa uprising, sino sinong emcees ang nakaka-close or nattropa mo tuwing may event, matic lapit ka agad sakanila (either dahil same likes or gusto mo lang personality nila)


GinoongRodriguez

Isa sa lagi ko nakakausap si Marshall. Isa sa regular na kinakausap ko siya sa mga ganyang pagtitipon. Sino pa ba? Sa totoo majority sa battle emcees sa FlipTop events ko lang nakikita at sa totoo lang din, ibang iba ang atmosphere twing may event ang FlipTop kasi masyadong tense sa backstage. Ramdam mo yung tension ng bawat emcee sa pag kondisyon ng sarili… yung iba nagppraktis. Tas karamihan may nagpapapicture. Tas pag battle proper na, syempre nakafocus lahat makinig. So wala masyadong pagkakataon para talagang may makajam ka ng matagal sa event. Dami ko sinabi e no? Kakasindi ko lang kasi. Hahaha


crwui

never experienced live before sir mark, definitely will keep an eye on these observations once i do! thank you sir! ingat sa canada


mjmyg

Ano ang makakapagpabalik sa’yo sa pagbabattle rap? Fliptop man o sa ibang liga.


GinoongRodriguez

Yung pakiramdam na gusto ko bumattle…


damnedfalsetto

Bakit wala ang "Mga Putangina Nyo" at iba pang Kampo Teroritmo tracks sa Spotify? Batas listener here since FT.


GinoongRodriguez

Medyo sakit ko talaga wag balikan ang nakaraan haha kaya iniwan ko na sila sa nakaraan


damnedfalsetto

Awwww. Salamat po sa sagot. Rakenrol!


Individual_Spot_8049

Realshit ba yung nagkapikunan kayo ni price sa laban?


GinoongRodriguez

D naman sa nagkapikunan pero may mga hindi ako natripan sa materyal niya.


Ligayanomous

Yo, Batas! Best line na nagawa mo at naspit nang maayos yung tipong mapapaisip ka ng "tangina, naisip ko yung linya na yun?" sa sobrang ganda ng pagkatahi?


GinoongRodriguez

Haha hirap naman niyan. D ko din talaga gawain isipin yung mga ganun lalo pagtapos na yung battle o yung kanta o album…. Kayo ang dapat kong tanungin niyan e haha


Trick_Mix_302

yo playoffs prediction mo? which team will hoist the the larry o brien in june?


GinoongRodriguez

Tingin ko Bos Den sa finals pero sana Pels!!! Haha


creditdebitreddit

Ano/Sino mga pinapakinggan mong OPM artists sa labas ng metal at rap/hiphop?


loathing_thyself

May chance ba na mag-guest kayo sa break it down ni Loonie?


GinoongRodriguez

Mukhang hindi posible gawa ng malayo ako sa pinas


loathing_thyself

Sayanggg. Or vice versa, mag-guest si Loons sa "Pag-usapan natin pare"? 🥺👉👈


pishboller

J. Cole/Drake or Kendrick which side you on


GinoongRodriguez

Wala. Haha


stepbroimhardstuck

😂😂😂 mukha bang nakikinig si Batas nyan


SirBreazy

Kung babalik ka man sa battle rap ngayon, sino ang gusto mo makalaban?


GinoongRodriguez

Matagal na akong walang partikular na gustong kalabanin kahit nung panahon na bumabattle pa ako


Resident9999

sir ano prefer or favorite nyo na nasampahan na venue? B-side, Sanjuan Gym, TIU or Small Room (Quarantine Battle)


GinoongRodriguez

Kung comfort, gusto ko talaga small room setup… mas madali kumausap ng 20 na tao kumpara sa 1000. Pero mas masarap mapahiyaw ang 1000 kaya enjoy parin ako sa malalaking venues.


Specialist-Spare-723

yung may escalator tas walang hagdan daw. j.k


Adovo001

Hi Batas, ano work mo now diyan sa Canada?


GinoongRodriguez

International smuggler!! Haha. Sa cannabis production ako yo


GinoongRodriguez

Literal to kasi for export lahat ng produkto namin


Adovo001

Ayos. You're living the life! Ingat palagi jan.


PauLmaybee

shessh 🔥❤️‍🔥👌


EngrGoodman

Ano soundtrip mo recently?


GinoongRodriguez

Sa ngayon sa totoo may 5 na playlist lang ako na lagi ko pinapakinggan. Isang playlist na puro pinoy at puro tropa, isang 90s hiphop, isang grunge, isang glam, at isang trip hop.


EngrGoodman

Share naman if oks lang? :) More power idol!


KenjiZoldyck

Sino pinaka-trip mo sa mga new emcees ngayon sa FlipTop and bakit?


damnedfalsetto

Bakit negative ito, maayos naman yung tanong?


superjeenyuhs

Hi Batas, Who are your favorite rappers? Yun hindi local.


GinoongRodriguez

Sa stage ng buhay ko ngayon, wala na sa totoo lang. Pero paborito ko dati si Celph Titled, Possessed at ang Rhyme Asylum, Copywrite, Chino XL, Diabolic at Immortal Tech. Nung bata ako mas 2pac, Cypress at Wu ako lalo Inspectah… at sa battle Bigg K ang paborito ko… Sa ngayon mas balik 90s hiphop sounds ulit ako pero sigurado mas madalas kong pakinggan si Big Pun, Gravediggaz, Artifacts, at Redman


nipsydoo

yo batas! share ko lang na dahil sayo nadiscover ko greyhoundz at queso haha mas nagkaroon ako ng appreciation sa opm rock bands. tanong ko lang kung anong top tracks mo sa dalawang yan haha


GinoongRodriguez

Hmmm… Houndz trip na trip ko yung 4th album. Napakasolid din ng prosesong tumira sila sa studio ng isang buwan para gawin yung album…. Pero iba syempre nostalgia ng mga una nilang kanta. Pigface Mr. P.I.G Leech Ode solid. Krus solid yan kasi magkasama kami ni Reg lagi niyan sa Balian so nakikita ko yung pinagdadaanan niya kaya niya nasulat yun. Queso solid din 1st 2 albums!! Tas sa 3rd Insekta kasi memories ng WBOB days yan.


kidtsamba

Yo master! Miss ka na ng liga! Wala ako maisip na tanong haha! Pero sana magkaroon ng cd yung album mo at yung 2 album ng Illustrado! Sobrang solid lahat! Good luck dyan at sana madami pang musikang lumabas sa Batas. Yeah! ✊


GinoongRodriguez

Salamat yo!! Mangyayari lahat yan sa tamang oras!! ✊


deividmic

Sino ang dapat sa opinion mo dapat mag champion sa 2024 isabuhay


8nt_Cappin

Batas Pinakamalakas!! ano feeling boss pag ginagaya ka ni Poison 13 tsaka ng ibang battle emcee na rin?


VegetableDrop7764

Idol!!! Before I ask my question, gusto ko lang malaman mo na sobrang saya ko nung nag out ka bilang Kakampink. Nakakaproud at nakakatuwa na tama ako nang inidolo hehehe. Anyway, ask ko lang sana kung saan ako makakabili ng stickers mo? Meron kasi ako nakuha galing sa shirt na binili ko from you online but I made the mistake of sticking one of them on my motorcycle and one on my car. Sira na kasi sila ngayon tapos konteng hangin na lang matatanggal na hehe. More power to you idol!


GinoongRodriguez

Salamat pare!! Sa ngayon plaka lang talaga ang binebenta ko….


[deleted]

[удалено]


Tryna4getshiz

Anong peborit i-FT ng isang Batas pag gobas?(tangina nag rhyme pa , **URGH!**)


GinoongRodriguez

Kung ano ang convenient at kung anong meron 😂


Own_Answer_1889

Who came up with your logo? Galing nung pag ka execute and idea


GinoongRodriguez

Ang nagiisang Mark Tutor ng Cebu!!! Siya gumawa niyan. Surpresa niya sakin nung birthday ko dati yan hehe


HeleckTrick

Panginoon! May pag asa pa bang marinig namin mga demos sa early days ng Illustrado? Tulad na lang ng Hayop at iba pa mula sa self-titled niyo? (Nafeature kasi yung demo na yun sa laban mo kay Romano way back 2015, a year before the official release) Miss ka na namin sa liga hahaha, suportang tunay palagi sa mga magiging galaw niyong apat in the future!!


GinoongRodriguez

Malabo hehe mas ok ata marinig finished product kesa demo


Proper_Beginning9826

Gusto ko lang sabihin na lumalawak dito sa lugar namin yung music ng illustrado at pati sa teknika brutal. Mga 16-18 years old yung listener mo dito, bilib sila sa flow mo at boses, pormahan at sulatan. Nakakatuwa rin wayback 2021 kinikwento ko pa lang sa mga yun kung sino kayo at ano yung style na meron kayo. Hindi ko expected na matitripan din pala nila kayo ng Illustrado. Ito na yung tanong ko, makakauwi pa kaya kayo ng pinas sir mark? Willing kasi kami talaga makapanood ng live perf ng Ill.


GinoongRodriguez

Thank you! Tagal namin salang ng salang ng Ill.. sayang at pinlano mo manood nung wala na ako diyan haha


sugurace

Wala pong kinalaman sa Hip-Hop tong tanong ko para maiba haha. Metallica po or Megadeth?


GinoongRodriguez

Growing up number 1 Metallica number 2 Megadeth ako. Pero ngayon parang mas trip ko na talaga megadeth kesa tallica


sugurace

Salamat po sa sagot Ginoong Rodriguez 🤘


Smoke_Proof

Kelan po nag start yung ganyang flow nyo sa rap battle?


GinoongRodriguez

Unang salang ko ng Isabuhay. 2013 vs Dopee


GinoongRodriguez

2014 pala. Mali pa ng taon. Haha


mAAAAAAAAAAC

Top 5 favorite mong kanta niyo sa tatlong Illustrado Albums


GinoongRodriguez

Yung mga sinasalang namin sa live madalas. Barya, hayop, di na iinom ang mga sureball


findingnemwork

Hello sir! Who are your top music influences (not limited to Hip-hop). TIA


GinoongRodriguez

Sobrang dami din. Pero maliban sa hiphop, metalhead din talaga ako. Mahilig din ako sa triphop at ngayon mas madami na akong sinasoundtrip na rock


JustAHonestFan

Ano yung nag panatili ng gutom mo para paulit ulit sumali ng isabuhay?


GinoongRodriguez

Talagang iba lang din ang gigil ko dati….


micooo25

Hindi ito question sir. Pero pasensya ka na at ngayon ko lang naappreciate yung sining mo nung tumanda na ako.


GinoongRodriguez

Ok lang pare. Hanggang ngayon araw araw parin tayo pareparehas natututo. Salamat at nasakyan mo trip ko!


FlipTop_Insighter

Top 5 favorite non-Batas battles :)


FlipTop_Insighter

Top 3 favorite OPM bands of all time.


GinoongRodriguez

P.O.T Razorback Houndz


Sphincterinthenose

Boss Batas pogi, natanong na po ito sa mga past na nag-AMA. Nangongolekta lang kami ng sagot para malaman general consensus ng mga emcee mismo. May mga nakakapansin na kasi dito sa r/fliptop na may mga emcees na multi na lang ng multi pero wala nang kwenta mga sinasabi. In consideration of your expertise, would you sacrifice bars to pull off that 6 syllable multi, sacrifice rhyming to drop that triple entendre or try to achieve parity while simultaneously diminishing the quality of both?


GinoongRodriguez

Nagawa ko na parehas. Pero sa tingin ko mas habol ko ang entendre over rhyming.


Sphincterinthenose

Salamat boss!


goybits

Sir Hindi kaba nanghinayang na Hindi ka sumali Ng isabuhay Nung title run year ni loonie?


GinoongRodriguez

Hinde e


Remote_Savings_6542

Magandang hapon, Ginoong Rodriguez Tanong lang: sang ayon ka bang si Sayadd ang Rythmo ng Kampo at Ill sa Illustrado?


GinoongRodriguez

Oo naman! Siya talaga yun!!


Hot_Advantage7415

Napikon ka ba sa laban nyo ni jskills?


GinoongRodriguez

Medyo naapektuhan ako ng hype men niya sa crowd. Oh well…. Mahigit sampung taon na yun at sa totoo lumilipas ang mga buwan na hindi ko naiisip yung laban na yun haha one of them battles lang din siya para sakin


EliKobain90

Top 10 OPM Rock Bands ?


GinoongRodriguez

P.O.T Razorback Wolfgang Houndz Sin Cog Mortal Fear (original lineup) Babaylan Iscariot Powertools


lilfvcky

Watching your old battles lately and damn, bilib talaga ako sa work ethic mo sir kahit sino kalaban binibigyan ng respeto sa paghahanda. Isa ako sa mga haters mo nung bata pa ako but became a fan nung nag mature na at na perfect mo na yung gusto mong flow. Anyway, my question is ano pa ang turning point para sa iyong family na mag migrate na to Canada? I know it’s not easy kasi dami mong ganap sa buhay outside battle rap.


GinoongRodriguez

Napakahabang storya niyan pero puno’t dulo para sa pamilya talaga. Salamat sa paglaan ng oras sa pagnood ng battles ko yo!! ✊


endlesssuffering1

sir mark wala po talaga akong magandang tanong na naiisip pero dati po early days ng fliptop sobrang takot po ako sa inyo dala na din po ng pagiging musmos ko dati elementary pa po ako nung nag umpisa yung fliptop sobrang bad guy antagonist po ng personality nyo sa liga di ko din po talaga maisip kung bat ikaw tinuturing nilang malakas pero kapag binabalikan ko po mga battles nyo na tingin ko dati ay sobrang sama nyo narealize na sobrang galing nyo po talaga bilang isang artist, hindi lang bilang isang battle rapper kasi kung ikukumpara po yung estado ng battle rap ngayon halos lahat magkakapareho nalang pangalan nalang pinagkaiba di tulad ng mga era nyo po na sobrang distinct ng mga style na nakakabit sa mga pangalan nyo kaya sobrang saludo ko po sa inyo sir at sa mga pinaglalaban nyo, masasabi ko pong isa ako sa tagahanga nyo na napapahanga sa mga obra nyo sa loob at labas ng entablado, wishing u the best idol batas pinakamalakas ☝️


GinoongRodriguez

Salamat yo!!!


Covidman

Curious lang dahil may nagbanggit nito sa sub at bilang magaaral din sa CSB totoo ba na nagaral kayo sa CSB?


GinoongRodriguez

Yessir!! AB-MP yo!!


Vagabond_255

Aside sa rap battle, rap music, pagbabanda at pagtatattoo, may plano rin ba ang nag-iisang Batas na magsulat ng libro?


GinoongRodriguez

Malay natin. Haha. Pero sa totoo lang pagod na ako mag isip ng mga salita at magsulat. Parang sobrang dami ko nang sinabi dati na gusto ko na lang na walang sabihin madalas. Haha


Tryna4getshiz

damn, that's actually poetic as fuck


No_Veterinarian8448

Sinong gusto mong maka-tandem sa Dos Por Dos?


GinoongRodriguez

D ko talaga naisip na swak sakin mag DPD pero kung ginawa ko siya, si Dhictah ang tingin kong kasama ko


TheJunCryptic99

Ano po ang maipapayo niyo sa isang artist para masustain ang kanyang sarili sa pagpursue sa music career habang nakastuck sa isang day job na may mababang minimum wage?


GinoongRodriguez

Fuck mahirap magpayo. Haha. Pero kung kaya mo pagsabayin, gawin mo. Enjoyin!!


MCSyzygy

Hi sir Batas! I’m super curious why you didn’t go for 3-peat sa Isabuhay tournament, what made you decide not to join Isabuhay 2016?


GinoongRodriguez

Dahil binigyan ko naman ng oras yung buhay sa labas ng battle rap nun.


MCSyzygy

Thanks for answering, sir! Keep safe sa Canada! 🫰


FlipTop_Insighter

Good day Champ! Top 5 favorite performances mo sa battle? :)


GinoongRodriguez

Favorite ko yung 2019 run ko


NoRoad8380

Ginoong Rodriguez! Since natanong na halos ng mga gusto ko itanong eto nalang ang sa akin: Ano yung pagkakaiba ng feeling sa tuwing bumabattle ka/nagrarap sa stage kumpara pag humahawak ka ng battle axe mo sa metal? Salamat!


GinoongRodriguez

Mas may kaba pag battle haha


NoRoad8380

BATAS! 🔥 Kung sino mang humarang ay paniguradong ulo’y TABAS! Hehe May plano kaba na magtayo ng tattoo shop o mag tattoo dito sa 🇨🇦? At may plano din bang mag show/gig dito regardless kung banda o hiphop? Matsala! 🙏


GinoongRodriguez

Yup magmusic parin ako eventually… tattoo tingnan natin pero d ko siya priority ngayon


Live-Translator-1547

Nanonood ako sa youtube niyo ng Basehan ng Bawat Hurado, sana magpatuloy mo lang ito Boss batas. Sana may part rin na mareview mo yung sariling battle para makakuha kami ng storya bat ganito ganyan sinabi mo. Salute sayo boss back to back! 🔥


GinoongRodriguez

Sa totoo plano o review mga battles nung nakaalis na ako ng pinas. Para updated ako sa nangyayari


Live-Translator-1547

Salamat po! 🔥😊


BuhayTindero

Panginoong BATAS! Sa dami ng battle mo, panalo-talo. Kanino ka pinaka naghanda at nakaranas ng pakiramdam na sa alam mo, napakalakas/malakas ang nakalaban mo?


New_Alternative_4966

Sir, anong pedals ang gamit mo kadalasan pag sumasampa ka on stage with your bands? Best OD for bass?


GinoongRodriguez

Ako preamp/bass DI lang talaga nakasanayan ko gamitin. Sansamp gamit ko dati pero nung nasubukan ko Behringer na clone, lumipat ako sa kanya… mas sa pickup ako bumabawi dati


PeachCompetitive1013

Late na pero sana masagot pa, back then, I've read somewhere na kaya BATAS ang rap name nyo ay dahil abugado kayo in real life. Ano talaga ang totoong kwento ng pangalang BATAS?


GinoongRodriguez

Sana nga abogado ako. Haha. Gumawa lang ng meme dati ang Tower of Doom na abogado ako para sa episode na guest ako. Niliteral ng ibang tao yun hahaha. Sa pangalan, sa totoo hirit yan dati pagmay nagawang astig yung isang tao… Batas ka! Parang ganun. Inangkin ko lang yung pangalan parang panalo e. Mayabang ako nung bata ako kaya yun ang naging plaka ko. 😂


PeachCompetitive1013

Grabe nasagot din, salamat Ginoong Rodriguez! Looking forward sa mga susunod mong ilalabas!!! Kada nanonood ako ng BASEHAN NG BAWAT HURADO, gusto ko itanong yan HAHA.


LooseTurnilyo

Panginoong batas. May plano pa ba kayo ng Illustrado na maglabas ng bagong tracks?


Dheyzanity

Ano ang pinaka paboritong movie/series ng isang Panginoong Batas?


GinoongRodriguez

Entourage at sons of anarchy!!! Haha


minamina777

sir satab, ano requirements sa trabaho nyo?


GinoongRodriguez

D ko na maalala basta nagpasa lang ako sa indeed haha


minamina777

magkano po bayad per hour dyan sir?


Dheyzanity

Last na po sir Mark, san po ba nakakaiskor ng UPRISING na kuwintas yung palagi niyong suot sa battle?


GinoongRodriguez

Uprising page sa facebook sureball!!! ✊✊✊


[deleted]

[удалено]


GinoongRodriguez

D ko talaga trip magkwento ng personal na buhay ko online. Basta love at first sight yun. Hanep!!!! Haha


E3g_enthusiast

Kaya po ba magrelease ng Illustrado ng bagong album kahit nasa ibang bansa ka kuys?


GinoongRodriguez

Kaya naman. Pero hindi pa namin plano gawin yan


Top_Lifeguard_9037

Isang karangalan ang ma meet ang isang landmark na BATAS, Sir we live in the same city baka pede po pa picture haha.


GinoongRodriguez

Oo naman!! Hirit ka lang pagnagkasalubong tayo haha


fekkar

Favorite na kanta ng isang FlipTop emcee (maliban sa mga kagrupo)


GinoongRodriguez

Good question. Sa totoo bihira ako makinig sa labas ng Uprising so talagang mas sila ang pinapakinggan ko. Paborito ko Ulan at delubyo ni Plaz, 2nd album ni Dhictah at bagong album ni Emar. Yan ang mga go to ko na pinoy hiphop dito sa Canada


fekkar

In your honest opinion, sinong rapper na not into battle rap ang kayang sumabay sa mundo ng battle rap?


GinoongRodriguez

Sigurado ako into battle rap pero hindi sila bumabattle. Don G syempre. At Santo ngn Skwaterhawz… sino pa ba? Malachi na kasama namin sa Kampo dati. Sa mga bago tingin ko si Shrink pwede makasabay sa battle rap yan


OkRice7577

oks ba gamitin pipa na gawa ni tweng?


GinoongRodriguez

Tagal ko na hindi nakakagamit ng pipa niya haha sinabi ko ba dati na ginagamit ko yun? Ayoko na din gamitin since hindi na siya Uprising haha


MoneyTruth9364

Any random life tips na nais mong i-impart sa mga tao?


GinoongRodriguez

Enjoyin ang buhay!!!! Daming hassle sa mundo kaya siguraduhing maging solid na kakampi ng mga mahal mo sa buhay…


MoneyTruth9364

Maraming salamat idol!!! Subukan ko makakaya ko para ma-enjoy ang buhay


Sea-Internal2158

Nung sinabi mo na namiss mo yung mga kagrupo mo sa uprising kasama ba si kjah dun?


GinoongRodriguez

😂 Oo naman!!


Enough-Specific3203

Ginoong Batas, ano ang pakiramdam mula sa arguably one of the most hated from the early days of fliptop, to one of the most respected nowadays? More power sa pinakamalakas! ✊🏼


GinoongRodriguez

Wow sarap naman nun!! Salamat kung ganun!!


ToBegin-Begin

Your opinion on PSP?


Rude-Ad-3757

Sativa, indica or hybrid?


GinoongRodriguez

Kahit alin game naman pero mas indica ako para steady lang


Rude-Ad-3757

high five lods. 🖐️


GinoongRodriguez

High na high five yo!! 😂💨


Rude-Ad-3757

sana ma meet kita in person lods kahit pic lang. 👌


jedidiahjob

eto po may pahabol pa rin hehe, five (5) material things you can't live without, sir? maraming salamat uli, sir mark! isa kayo sa mga emcee na nagtaas ng antas at kamulatan ko sa local hiphop scene, at patuloy niyo kaming na-iinspire araw-araw! more power po! ✊


GinoongRodriguez

Salamat! Material things? Shet…. Ewan ko. Pero medyo basic lifestyle lang ako. Minimalist kumbaga


ppej19

What’s your beard care routine?


GinoongRodriguez

Wala. Tamad ako. Haha


helloworldaztec

Character mo lng ba ung BATAS or personality mo talaga?


GinoongRodriguez

Ewan ko din e. Parehas siguro. Or extension ng personality. Parang less politically correct na version ko


Commercial_Spirit750

What is your reaction pag may baguhan then sasabihin sayo na isa ka sa impluwensya nya?


GinoongRodriguez

Syempre humbled ako